P300-M, natipid ng mga opisina ng gobyerno sa pagkonsumo ng enerhiya- DOE

Nakatipid na P300-M ang mga opisina ng gobyerno mula sa pagkonsumo ng enerhiya, ayon sa Depertment of Energy (DOE).

Sa tala ng ahensya, mahigit 1,085 na opisina ang dumaan sa spotcheck at 938 dito ang na audit ng DOE noong nakaraang taon.

Read More:  Defense says VP Sara not involved in petition against Escudero

Bunsod nito, tinatayang aabot sa P2-B ang matitipid ng pamahalaan kung ang lahat ng opisina ay magiging mas energy efficient alinsunod sa mas pinatatag na implementasayon ng Government Energy Management Program (GEMP) sa ilalim ng AO 15.

Read More:  Rep. Pulong calls for fair impeachment trial of VP Sara

Samantala, isa sa pinakamaking usapin sa enerhiya sa bansa ang nakalipas na malawakang power outage sa Panay Island na ang itinuturong dahilan ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) kung saan nagkakaroon ng problema sa malalaking power plants nito na nagsusuplay ng kuryente sa Aklan, Antique, Capiz, at Iloilo.