Gadon, iginiit na mga operators ang problema sa PUVM Program

Pinakiusapan na ni Presidential Adviser on Poverty Alleviation Larry Gadon ang mga jeepney drivers at operators na maki-cooperate na sa pamahalaan sa pagmomodernisa ng mga public utility vehicles (PUVs).

Ayon kay Gadon, hindi naman mawawalan ng trabaho ang naturang sektor kung makikipagtulungan at open-minded lang sana ang mga ito.

Read More:  Marcos maintains trust in Dizon amid SEA Games probe

Dagdag pa niya, hindi naman mga tsuper ang problema rito kung ‘di mga operators na ayaw maglabas ng puhunan.

Kahit higit 10 beses na aniyang nabawi ng mga operators ang halaga ng kanilang jeep, gusto pa rin nilang pigain at gamitin ang mga ito para kumita.

Ani Gadon, nais pa rin ng Pilipinas ang kinakalawang, ‘antiquated,’ ‘jurassic’ na Manila jeepneys.

Read More:  Philippine Navy personnel injured in alleged China Coast Guard assault at Ayungin Shoal

Kung ganito aniya ay nasaan ang public convenience sa mga bulok, karag-karag, mausok, mabaho, mainit, at ‘unsafe’ na mga jeep.

Sa huli, inirekomenda na lang ng presidential adviser ang paggamit ng mga lumang jeep para sa agricultural use sa mga probinsya.