CAMARINES NORTE – Tumaas ng P0. 25 hanggang piso o mula isa hanggang anim na porsiento ang presyo ng bottled water sa Camarines Norte.
Batay ito sa Price monitoring ng Department of Trade and Industry (DTI) Provincial Office hanggang nitong January 23 ng taong kasalukuyan.
Kabilang sa nakapagtala ng pagtaas ay 1 liter ng isang brand ng distilled water na mula sa P24. 75 ay P25 na ngayon.
Tumaas naman ng piso ang 1 liter ng isang brand ng purified water na mula sa P17 noong January 18 ay nasa P18 na nitong January 23.
Ayon sa DTI ang price adjustment ay dahil sa pagtaas ng presyo ng raw at packaging materials iba pang costs globally.
Bukod dito wala namang naitalang pagtaas sa ibang basic at prime commodities tulad ng tinapay, kandila, canned sardines, kape, instant noodles, sabong panlaba, processed at condensed milk, evaporated milk, powdered milk, asin, battery, processed and canned pork, corned beef at iba pa.
