DTI, pinayagan ang ilang pangunahing bilihin na may SRP na magtaas-presyo

Piniyagan na ng Department of Trade and Industry na magtaas-presyo ang 9 na pangunahing bilihing may suggested retail price.

Kabilang sa mga ito ang sardinas, powdered milk, at sabon.

Read More:  DFA warns of possible diplomatic actions amid Chinese Embassy’s remarks against Philippine officials

Ayon sa DTI mayroon pang 45 na basic at prime commodities na sa Marso pa a-aksyunan ng ahensiya.

Pero kahit hindi pa aprubado ng gobyerno ang dagdag presyo sa maraming basic at prime commodities hindi naman napipigilan ang pagmahal ng maraming pangunahing bilihin na hindi sakop ng SRP.

Read More:  Teodoro again rejects claims Philippines is a ‘trouble maker’ in WPS tensions

Sa datos ng ilang supermarket at grocery stores na dagdagan ang presyo ng walang SRP ng 4% hanggang 8%.

Ayon kay DTI Sec. Alfredo Pascual pinag-aaralan na rin nila ang pagbabago sa sistema ng SRP sa mga basic goods.