Dating PNP chief Senador Bato dela Rosa – aminadong takot makulong

Tinawag na “destabilizer” ni dating Philippine National Police (PNP) chief, Senador Ronald Bato Dela Rosa si dating senador Antonio Trillanes.

Ito ay matapos ang naging pahayag nito na nagsagawa na ng imbestigasyon ang International Criminal Court (ICC) sa bansa noong Disyembre at malapit na itong mag-isyu ng warrant of arrest.

Read More:  Transport groups seek ₱2 fare increase, warn of nationwide strike

Ayon kay Dela Rosa, ‘di naman appointed spokesperson ng ICC si Trillanes upang malaman ito.

Dagdag pa niya, dine-destabilize lang din talaga ni Trillanes ang relasyon ng Marcos at Duterte para mag-away ang mga ito.

Read More:  DepEd probes classroom assault involving Bacolod students

Samantala, aminado naman si Bato na nangangamba siyang maaresto ng ICC.

Ito ay dahil sa kanyang tatlong apo na hindi naman umano niya madadala sa The Hague.