PITX, target magbukas ng mga karagdagang ruta

Target ngayon ng Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) na buksan ang mga karagdagang ruta ng mga pampasaherong bus sa mga lalawigan ngayong 2024.

Ayon kay Coleen Kalbasa, PITX Corporate Officer, kabilang sa mga tinatarget ay ang mga ruta patungong Tugegarao, San Carlos City, Pangasinan, Dagupan – Pangasinan, San Pedro – Laguna, Southwoods – Laguna, at Guimaras.

Read More:  Palace urges Bato dela Rosa to surrender amid warning of potentially bloody arrest

Sinabi ni Kalbasa na kanila na itong inirerekomenda sa mga kumpanya ng mga pampasaherong bus na nag-ooperate sa PITX dahil ito ang hangad ng karamihan sa mga pasahero.

Read More:  Palace seeks reconsideration of SC ruling on unprogrammed funds

Sa ngayon, aabot ng 100 na mga ruta ang nahahatid ng PITX buses sa iba’t ibang bansa.