Paulene Luna, isinilang na ang pangalawang anak kay Vic Sotto

It’s a girl! Isinilang na ni Pauleen Luna ang kanyang baby girl sa mister na si Vic Sotto.

8.2 lbs ang timbang ng sanggol nang isilang ito, na tinatawag niyang “Baby Mochi.” (nickname)

Nagbigay naman ng mensahe si Paulene sa kanyang anak at asawa, na lubos niyang pinasasalamatan sa pag-alaga at pagsisilbing inspirasyon sa kanyang second pregnancy.

Cesarean section ang paraan panganganak ni Pauleen, kagaya sa unang pregnancy ni Paulene.