COMELEC Sipocot handa na para sa pagsisimula ng voter’s registration sa Pebrero; koordinasyon ng barangay para sa satellite o mobile registration, panawagan

NAGA CITY – Handa na ang Commission on Election o COMELEC Sipocot, Camarines Sur para sa pagsisimula ng Voter’s Registration sa Pebrero 12, at magtatapos sa Setyembre 30, 2024.

Kung saan isa ang gagawing satellite o mobile registration sa mga barangay ang kasalukuyang inaayos ang mga eskedul, paghahanda sa mga gagamiting form, printer at iba pa.

Read More:  Army’s newest Lieutenants include seven from Negros’ CHICKS Area

Ayon kay Crisostomo Plopinio, Election Officer, may ilang barangay kasi sa bayan ang hindi nakikipagtulungan, kung saan panawagan nila upang mapabilis ang proseso, maliban pa riyan hindi isinasantabi ang mga posibilidad ng mga pagka-abarya lalo na sa mga printer na may kalumaan na rin.

Read More:  CHMSU graduate tops Army officer candidate class ‘Talagilab’

Samantala, sa ngayon ay wala pang nakakarating na form sa bayan tungkol sa sinasabing people’s initiative na pipirmahan.