PUVM Program – maituturing pa rin daw na tagumpay ng LTFRB

Nanindigan ang Land Tranasportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB na ‘tagumpay’ pa rin ang PUV Modernization Program ng Gobyerno.

Ito ay kahit na daan-daan pang mga ruta sa bansa ang hindi pa rin nagpapa-consolidate; at tuluy-tuloy pa rin ang mga isinasagawang tigil-pasada ng iba’t ibang mga grupong tutol dito.

Read More:  Rescued Philippine Eagle Sawaga-Dalwangan dies during rehabilitation

Sa isang pulong balitaan, sinabi ni LTFRB chairperson Teofilo Guadiz na isa pa ring ‘success’ ang naturang proyekto.

Humarap din ang iba’t ibang mga transport cooperative sa media kung saan ay ibinahagi nila ang pros’ at mga kahilingan nila para sa PUVMP.

Read More:  NGCP: stable power services in Mindanao following earthquake

Kung maaalala – sa listahang inilabas ng LTFRB, higit pa sa 300 na mga jeepney routes ang ‘di pa nagpapa-consolidate; at ito ay sa Metro Manila pa lamang.