Sen. Jinggoy, maaari pa ring ipagpatuloy ang kaniyang trabaho sa Senado – Zubiri

Nilinaw ni Senate President Migz Zubiri na nirerespeto nila sa Senado ang naging desisyon ng Sandiganbayan kaugnay sa plunder case ni Senador Jinggoy Estrada.

Ayon kay Zubiri, kinikilala nila na mayroon pang mga “remedies” na pwedeng ihain si Estrada base sa kasalukuyang batas at patakarang mayroon ang Korte.

Read More:  Four Philippine Air Force pilots killed as two SF-260 aircraft crash

Dagdag pa niya, suportado umano nila sa Senado ang karapatan nito na gawin ang lahat ng kanyang makakaya lalo na sa paghahain ng Motion for Reconsideration at certiorari.

Read More:  Supreme Court budget ruling may figure in new Marcos impeachment bid

Kaugnay nito, sinabi niyang maari pa ring umupo bilang senador si Estrada hanggang hindi pa pinal at executory ang desisyong inilabas ng Sandiganbayan.
#