UP Fighting Maroons, pinalakas ang kanilang lineup

Bago pa man magsimula ang UAAP Season 86 women’s volleyball tournament, pinalakas na ng UP Fighting Maroons ang kanilang mga lineup at potensyal.

Ito’y matapos magpasok ng dalawang standouts mula sa Visayas na sina Jothea Mae Ramos at Joanneesse Gabrielle Perez.

Read More:  Juan Gomez de Liaño leads Converge’s rout of Macau with triple-double

Nagmula si Perez sa Ateneo de Cebu at nagningning sa title-winning run ng Magis Eagles sa Cebu Schools Athletic Foundation, Inc. (CESAFI) high school tournament noong 2022.

Samantala, tubong Bacolod naman si Ramos, na inangat ang bandera ng Western Visayas sa 2023 Palarong Pambansa.

Read More:  Para swimmer Ariel Joseph Alegarbes secures PH’s second gold in Asian Para Games

Sa kasalukuyan, nagsisikap ang Fighting Maroons na makakuha ng isang return trip sa Final Four upang mabalik ang kanilang winning drive, na huli nilang naipakita noong 2017 sa Season 79.