2 menor de edad, nasagip matapos umanong ibugaw online ng sariling ina

Dalawang menor de edad ang nasagip ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation matapos na ibugaw online ng sarili nilang ina at live in partner nito sa Lala, Lanao del Norte.

Ayon sa NBI, lumalabas sa imbestigasyon na ang ina ang gumagawa umano ng mga pay-per-view shows ng mga bata sa pamamagitan ng video call sa Skype.

Read More:  Angel Locsin criticizes Padilla following his admission that he is a communist

Namonitor ito ng National Crime Agency, dahilan para ikasa ng mga operatiba ng NBI ang surveillance operations hanggang makumpirma ang iligal na aktibidad.

Read More:  PH files diplomatic protest against China over ‘monkey’ video

Naaresto ang dalawang suspek at nasagip ang dalawang bata sa entrapment operation.

Samantala, dahil sa iligal na aktibidad patong-patong na kaso ngayon ang kinakaharap ng mga suspek.