Presyo ng galunggong, inaasahan ng DA na bababa sa mga susunod na buwan

Inaasahan ng Department of Agriculture o DA na bababa na ang presyo ng galunggong sa mga susunod na buwan.

Kasunod na rin ito ng nalalapit na pagtatapos ng close fishing season sa bansa.

Read More:  Gov’t races to secure water, power ahead of ‘Super El Niño’

Sa press briefing sa Malacañang, nakikita ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na magiging 130-150 ang kada kilo ng galunggong simula sa buwan ng Marso.

Read More:  Palace seeks reconsideration of SC ruling on unprogrammed funds

Lalo pa’t inaasahan na ang catching season ng galunggong ay magsisimula ng Marso hanggang Hunyo.

Sa ngayon naglalaro sa 220 hanggang 280 ang kada kilo ng galunggong sa mga pamilihan.