Driver na sangkot umano sa tatlong viral road-rage videos, ipinatawag ng LTO

Hindi lamang isa, kundi tatlong beses umanong na-videohan ang isang motorista habang nakikipagtalo sa tatlong magkakaibang driver.

Makikita sa videos na parehas ang ginamit na plate number ng kotse sa mga naunang video.

Read More:  Supreme Court budget ruling may figure in new Marcos impeachment bid

Samantala, wala pang kumpirmasyon ang Land Transportation Office (LTO) na iisang tao lamang ang sangkot sa tatlong viral road rage videos.

Matatandaang sa unang insidente ay humarurot ito ng takbo sa Quezon City at biglaan na lamang bumaba sa hindi malamang dahilan.

Read More:  Four Philippine Air Force pilots killed as two SF-260 aircraft crash

Sa ikalawang insidente naman, naglabas pa siya ng retractable baton na tila ‘patpat’ habang sumisigaw.

Nakatakdang humarap sa tanggapan ng LTO ang lalaki ngayong araw para magpaliwanag sa unang insidente.