Lalaki, sugatan sa pananaksak sa Sariaya, Quezon

Sugatan ang isang lalaki matapos ang pananaksak na naganap sa isang birthday celebration sa Barangay Lutucan, Sariaya, Quezon nitong Linggo, Enero 14.

Ayon sa police report, parehong nasa ilalim ng impluwensya ng alak ang suspek at ang biktima nang magkaroon ng alitan sa pagitan nito na nauwi naman sa pananaksak.

Read More:  High-ranking NPA leader killed in Albay clash

Nagtamo ng saksak sa kaliwang dibdib at kaliwang bahagi ng tiyan ang biktima kung kaya isinugod ito sa hospital para malapatan ng lunas.

Read More:  American, Filipina couple found dead inside Dumaguete home after shooting

Samantala, patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa insidente.