27 mga Pilipinong nabiktima ng human trafficking sa Cambodia – nakabalik ng bansa

Isa na namang batch ng mga Pilipino ang napabalik ng bansa mula sa Cambodia matapos mabiktima ng human trafficking at illegal recruitment.

Sa ulat ng Department of Foreign Affairs (DFA) – 27 na mga Pilipino ang matagumpay na-repatriate.

Read More:  Philippine Navy personnel injured in alleged China Coast Guard assault at Ayungin Shoal

Ang siste – dumating umano ang mga biktimang Pilipino sa Cambodia sa magkakahiwalay na petsa sa pagaakalang lehitimo ang kanilang pinasukang trabaho..

‘Yun pala – ipapasok sila sa mga kumpanyang sangkot sa online scamming activities.

Read More:  DepEd probes classroom assault involving Bacolod students

Dahil dito – tuluy-tuloy ang paalala ng mga otoridad na maging maingat sa mga kababayan nating job hunters na nag-aasam na makapagtrabaho abroad.

Anila, siguruhing sa mga lisensyadong recruitment agencies lamang sa bansa makipagtransaksyon.