Walang P20-M na pondo para sa Cha-cha drive – mambabatas

Pinabulaanan ni AKO BICOL party-list Rep. Jil Bongalon na hindi sila namigay ng pera sa mga tao kapalit ng pirma at pagsuporta sa isinusulong na pag-amyenda sa 1987 Constitution.

Read More:  Facebook ban in Philippines possible as CICC warns meta over laws

Paglilinaw ng mambabatas, ang nangyaring meeting ay pagpapatawag na inorganisa ni League of Municipalities of the Philippines Albay Chapter head Mayor Adrian Salceda.

Inimbitahan lang umano sila ng naturang organisasyon bilang resource person.

Read More:  Palace open to Facebook ban in Philippines

Maliban dito, pinagtibay ni Bonggalon na walang public funds na inilaan para hikayatin ang publiko na suportahan ang Cha-cha.