Pagbabakuna sa mga economic frontliners sa export industry sa CALABARZON, nagsimula na

Sinimulan na ng pamahalaan ang pagbabakuna kontra covid-19 sa mga nasa A4 category o mga essential workers sa CALABARZON Region.

Pinangunahan nila testing czar Sec. Vince Dizon at Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque ang ceremonial vaccination para sa mga economic frontliners partikular ang mga manggagawa sa export industry sa Santa Rosa City Laguna.

Read More:  Army conducts live-fire exercises as HRAN flags risks to Sipalay residents

Ayon kay Sec. Roque, mahalaga na na makatanggap na ring bakuna kontra covid-19 ang mga manggagawa sa export oriented industry.

Read More:  P398M Himamaylan loan-funded projects delayed by up to 1,286 days – COA

Samantala, inaasahan naman na mas marami pang essential workers ang mababakunahan sa buong rehiyon sa oras na dumating na ang mas marami pang suplay ng bakuna.