Motion to Quash ni dating DOH Sec. Garin ibinasura ng Sandiganbayan

Ibinasura ng Sandiganbayan ang motion to quash ni dating Department of Health Sec. Janette Garin kaugnay sa kaso nito sa Dengvaxia vaccine.

Ganito rin ang naging deisyon ng Sandiganbayan sa mga kasamang akusado ni Garin na sina DOH Undersecretaries Gerardo Bayugo and Kenneth Hartigan-Go, dating DOH Officer-in-Charge Director Maria Joyce Ducusin, at dating Philippine Children’s Medical Center Executive Director Julius Lecciones.

Read More:  Focus crimes drop 29.75% nationwide in third quarter – PNP
Read More:  Robin Padilla, Bong Go ask Supreme Court to restore 16-vote threshold

Sinasabing nagsabwatan umano ang mga akusado para ilegal na mailipat ang P3.5 bilyong pondo ng gobyerno sa pagbili ng dengvaxia vaccines.

Naghain na ng pyansa ang mga akusado at itinanggi ang mga aligasyon.