Naging matagumpay ang 3 araw na official visit ni Indonesian President Joko Widodo.
Bago tumulak pabalik ng Indonesian si Widodo ay humarap ito sa business forum.
Tinilakay sa nasabing business forum ang posibleng joint venture ng mga kumpanya sa Indonesia gayundin sa Pilipinas.
Maraming mga bagay at isyu rin ang napag-usapan nina Widodo at Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ilan sa mga ito ay ang kooperasyon sa sektor ng enerhiya kung saan lumagda ng isang memorandum of understanding ang dalawang leader.
Gayundin ang pagpapatrolya sa mga boarder at pagpapatibay ng kalakalan sa dalawang bansa.
Napag-usapan din ang kaso ni Mary Jane Veloso kung saan patuloy na isinusulong ng Pilipinas na mabigyan ito ng clemency, na masusi namang pinag-aaralan ng Indonesian Government.
