RAA, magiging gabay umano sa mga sundalong hapon sa Joint-Military Training

Inaayos na ng Japan at Pilipinas ang mala-Visiting Forces Agreement.

Ito ay sa gitna ng pangamba na naghahanda na umano ang Amerika sa posibleng gulo sa China.

Ayon sa ilang sektor posible umanong naghahanda na ang Amerika sa maaaring sigalot sa pagitan ng China dahil sa Taiwan.

Read More:  ATOM condemns  Cayetano’s repeated use of ‘Laban’ sign at INC EDSA rally

Sa ngayon, pina-plantsa pa ang ibang detalye ng Reciprocal Access Agreement bago tuluyang pirmahan ng Pangulo at ratipikahan ng Japanese parliament.

Maging ang ilang mananaliksik sa Japan ay nangagamba na rin sa kinikilos ng kanilang bansa dahil muling nagiging aktibo ito sa pagpapalakas ng militar matapos matigil noong World War II alinsunod sa kanilang Post War Constitution.

Read More:  Palace urges INC to guard against destabilization efforts

Pero taong 2012 binago ng Japanese Parliament ang pulisiya at pinayagan ang pagdagdag ng kakayahan na labanan ang panlabas na banta.

Sinabi naman ng Armed Forces of the Philippines na maling pananaw na hudyat ng militarization ang mga pinapasok na mga military agreement sa Pilipinas.

Dagdag pa ng AFP na ang ginagawang military exercise sa Pilipinas ay pagtaguyod lamang sa soberanya ng bansa.