Senate panel: PEDC at NGCP ang dapat managot sa Western Visayas blackout

Nilinaw ni Senate Committee on Energy, Vice Chairperson Senador Win Gatchalian na hindi lang isa ang nakikita nilang may sala sa nangyaring malawakang power outage sa Western Visayas.

Ito ay dahil nagkaroon umano ng tila domino effect ang nangyaring tripping sa Panay Energy Development Corporation (PEDC).

Read More:  Rep. Pulong calls for fair impeachment trial of VP Sara

Pagpapaliwanag ni Gatchalian, ayon sa kanilang nakalap, ang boiler’s tube leak sa PEDC ang naging sanhi ng unplanned outage ngunit lumawak ito dahil sa hindi pag-aksyon ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).

Read More:  Sen. Padilla pushes juvenile detention centers, says minors who kill must be held accountable

Kaugnay nito, naniniwala umano siya na ang PEDC at NGCP ang dapat panagutin sa nasabing insidente.

Maalala, sa ilalim ng Philippine Grid Code ay kailangang tiyakin ng system operator tulad ng NGCP na balanse ang demand at supply upang maiwasan ang malawakang blackout.