Voter’s registration magsisimula na sa February 12, 2024

Target ng Commission on Elections (Comelec) na makapagrehistro ng tatlong milyong bagong botante para sa darating na 2025 national at local elections (NLE).

Ayon kay Comelec Chairperson George Erwin Garcia, maglulunsad sila ng malawakang information dissemination upang turuan ang publiko sa proseso at mga kinakailangan para sa voter registration.

Read More:  House approves P7.2-trillion 2027 national budget on second reading

Kabilang sa mga naamyendahang guidelines para sa registration na kinabibilangan ng pagbabawal sa paggamit ng company-issued identification (ID) cards.

Samantala, palalawakin din ng Comelec ang pagpapatupad ng “Register Anywhere Project,” na nagpapahintulot sa mga Pilipinong botante na magparehistro sa mga booth sa ilang mga establisyimento tulad ng mga malls.

Read More:  Palace urges public not to hoard bottled water amid super El Niño

Magsisimula ang voter registration period para sa 2025 national at local elections (NLE) sa Pebrero 12 hanggang Setyembre 30, 2024.