DOH – iimbestigahan na ang gastoenteritis outbreak sa Baguio City

Tinutulungan na ng Department of Health sa pamamagitan ng Epidemiology Bureau at Center for Health Development Cordillera Administrative Region ang Pamahalaang Lungsod ng Baguio upang kontrolin ang mga kaso ng diarrhea sa lungsod.

Ito ay matapos ang deklarasyon ni Mayor Benjamin Magalong ng diarrhea outbreak sa summer capital ng bansa.

Read More:  Lawmaker urges House action on school safety bill after Zamboanga shooting

Nagsimula ang pagtaas ng kaso noong December 21, 2023 base sa preliminary findings ng Baguio City Health Office.

Ayon sa DOH ang water testing ay isinasagawa na.

Kaugnay nito, bibigyan din ang publiko sa mga apektadong lugar ng access sa malinis at maiinom na tubig.

Read More:  Marcos says heavy rain and climate change worsened Central Luzon flooding

Gayunpaman, pinapayuhan pa rin ang mga residente na linisin ang kanilang tubig bago gamitin sa pamamagitan ng pagpapakulo nito o sa tulong ng mga disinfection tablet.

Samantala, maglalabas naman ang City Health Office ng updates at health advisories para magabayan ang publiko sa iba pang hakbang na dapat nilang gawin gaya ng food safety practices.