Malakanyang, idineklarang special non-working holiday ang Jan. 16 sa Navotas

Idineklara ng Palasyo na special non-working holiday ang January 16, araw ng Martes sa Navotas City.

Sa ilalim ng Proclamation No. 435 na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin, itinakda ang araw para ipagdiwang ang foundation day ng siyudad.

Read More:  Father swept away by floodwaters in Batangas while trying to save wife and son

Una nang inanunsiyo ng lokal na pamahalaan ang mga aktibidad sa nabanggit na anibersaryo tulad ng Thanksgiving Mass, night-market, boat racing competition, at maging ang dance contest.

Read More:  244 foreigners arrested in Zamboanga Sibugay POGO raids

Nagpasalamat naman si Navotas City Mayor John Rey Tiangco sa mga Navoteños para sa kanilang kooperasyon at suporta sa pamahalaang lungsod.