MMFF, in-extend ang theatrical run ng 10 pelikula

Bilang tugon sa kahilingan ng publiko, in-extend ng Metro Manila Film Festival (MMFF) ang theatrical run ng sampung movie entries nito.

Ayon kay MMDA Acting Chairman at MMFF Overall Concurrent Chairman Atty.Don Artes, nakatanggap ang MMFF at MMDA ng maraming kahilingan sa social media na palawigin ang exhibition ng mga pelikulang MMFF 2023, na magtatapos na sana kahapon.

Read More:  House prosecutor says VP Sara Duterte cannot be mere spectator in impeachment trial

Bukod sa pagbibigay ng isang linggo para mahuli ang 10 festival entries, tatanggapin pa rin ang MMFF complimentary pass hanggang Enero 14 sa mga iba’t ibang sinehan.

Read More:  PSA reports rise in working children in 2025

Saad pa ni Artes, patunay lamang ito na ang MMFF ngayon taon ay isang certfieid box office hit, na isang maganda senyales habang naghahanda sila sa Manila International Film Festival (MIFF)

Nakatakdang ipalabas ang 10 opisyal na entry sa inaugural MIFF sa Jan 29 hanggang Feb 2, 2024 sa Los Angeles, California.