Baao Water District, naghahanda na para sa paparating na El Niño Phenomenon

CAMARINES SUR- Hindi pa man dumarating ang tagtuyot, nagsisimula ng gumawa ng mga hakbang ang Baao Water District sa Camarines Sur sa pagpapanatili at pagtitiyak na magkakaroon ng sapat na supply ng tubig sa bayan pagdating ng El Niño Phenomenon.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Hazel Ilao, General Manager ng Baao Water District, napag-alaman na may limang water pumping station na 24/7 operational sa lugar. Upang mas masiguro na sasapat ang supply ng tubig ngayong El Niño, nagrequest sila ng dagdag na dalawang pumping station sa lokal na gobyerno na sa ngayon ay hinihintay na lang na maiturn-over ito.

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system
Read More:  P6-M smuggled goods seized at Dumaguete Port

Bukod pa riyan, maglalagay rin sila ng booster pumps sa bawat istasyon. Nananawagan naman si Ilao sa mga residente ng bayan na kung maaari ay magtipid pa rin at huwag magsayang ng tubig.