Pagganda ng ekonomiya, itutuloy ng pamahalaan – PBBM

Lubos na ikinagagalak ni Pangulong Bongbong Marcos ang pagbagal ng inflation ng bansa sa huling buwan ng 2023.

Kaugnay nito, tiniyak ni Pangulong Marcos na patuloy na pinagsusumikapan ng pamahalaan na mapaganda pa ang lagay ng ekonomiya ng bansa.

Read More:  Palace seeks reconsideration of SC ruling on unprogrammed funds

Sa statement ng Pangulo sa kanyang official social media account, sinabi nitong lalo pang itataguyod ng kanyang administrasyon ang pagpapabuti sa mga programa para sa agrikultura, at pagtutuunan ng pansin ang mga hakbang upang mapanatiling abot-kaya ang presyo ng pagkain at iba pang pangunahing bilihin.

Read More:  Palace urges Bato dela Rosa to surrender amid warning of potentially bloody arrest

Nabatid na sa ulat ng Philippine Statistics Authority o PSA na bahagyang bumaba ang inflation sa huling buwan ng 2023 sa 3.9 percent mula sa 4.1% noong Nobyembre.