Face masks – required sa Traslacion 2024

Ipatutupad ng pamunuan ng Quiapo Church at ng Manila LGU ang mga bagong patakaran para sa pagbabalik ng Traslacion ngayong taon.

Kabilang na rito ang pagkakaroon ng bagong andas, bagong misyon, pati na rin ang paggamit lamang ng isang lane ng kalsada para sa ruta ng Itim na Nazareno.

Read More:  Angel Locsin criticizes Padilla following his admission that he is a communist

Kaugnay nito – ipinasilip din nila ang magiging bagong bihis ng Andas kung saan ay mayroon na itong paglalagyang glass enclosure.

Umapela naman si Manila City Mayor Honey Lacuna sa mga deboto ng Itim na Nazareno na magsuot ng mga face masks para maiwasan ang surge ng mga sakit.

Read More:  Cayetano backs SEA Games probe, seeks flood control investigation

Maglalabas din daw ang Alkalde ng isang executive order para ipagbawal ang inuman at fireworks sa ruta ng Traslacion.

Sa ganitong paraan daw ay para matiyak ang kaligtasan ng mga deboto, at maiwasan na rin ang stampede.