BFP walang pinataw na karagdagang bayarin sa pagkuha ng fire safety certificate ng mga magre- renew ng business permit

CAMARINES NORTE – Inihayag ng Bureau of Fire Protection na wala itong ipinataw na karagdagang bayarin sa pagkuha ng Fire safety inspection certificates na kailangan para sa renewal at application ng Business permit.

Ayon kay BFP Camarines Norte Caretaker Fire Chief Inspector Adonis Osea, ang babayaran ng mga business owner ay batay sa pinakahuling revision ng fire code noon pang 2018.

Read More:  Senior couple stabbed after offering shelter from rain to stranger in Cebu

May mga innovation rin umano itong ipinatutupad sa ngayon  sa Business One-Stop Shop (BOSS) na initiative ng mga Local Government Unit LGU para ma- streamline ang proseso sa pagkuha ng fire safety inspection certificates. Ang mga LGU ay nagsasagawa ng BOSS tuwing sumasapit ang buwan ng Enero kung saan nasa iisang lugar lang ang iba’t- ibang ahensiya na may kinalaman sa Business Licensing.

Read More:  Media groups rally behind journalist Marchel Espina over unjust vexation case