Bangkay, palutang-lutang sa isang creek sa Las Piñas; Suspek – 4 na tanod

Natagpuang palutang-lutang ang bangkay ni Jericho Rocabo sa C5 creek sa Las Piñas.

Hawak na ng pulisya ang apat na barangay tanod na umano’y mga suspek sa krimen.

Read More:  Tricycle driver stabbed by minor in Bacolod City

Ayon kay Police Col. Jaime Santos, hepe ng Las Piñas City Police, napagbintangan ang biktima na nagnakaw ng bisikleta kaya’t dinala ito sa barangay hall.

Read More:  Father swept away by floodwaters in Batangas while trying to save wife and son

Batay sa paunang imbestigasyon, namatay si Rocabo dahil sa bugbog at sa sakal.

Dagdag pa ni Santos, maaaring mapanagot ang barangay chairman depende sa mga ebidensiya na kanilang makakalap.