Investment generation efforts ng admin, inaasahang makatutulong sa pag-unlad ng bansa

Umaasa si Senador Ramon Bong Revilla Jr. na mas magiging maunlad ang Pilipinas ngayong 2024.

Ito ay dahil sa tulong ng mga naging jobs at investment generation efforts ng kasalukuyang administrasyon ni Pangulong Bongbong Marcos.

Read More:  Gov’t races to secure water, power ahead of ‘Super El Niño’

Maliban kase sa bilyun-bilyong investment pledges na naiuwi ng Pangulo sa bawat bisita niya sa ibang bansa ay nakapagdala rin siya ng mahigit 200,000 job opportunities sa mga mamamayang Pilipino.

Kaugnay nito, ayon kay Revilla, tama lang ang tinatahak na direksyon ng bansa para sa pag-angkat ng karagdagang negosyo at trabaho na kailangang-kailangan ng bawat Pilipino.

Read More:  Sara Duterte vows never to resign as impeachment trial advances

Maalala, ayon sa Department of Trade and Industry (DTI) nakapaglikha ang biyahe ni PBBM noong nakaraang taon ng 7,100 job opportunities mula sa Indonesia, 14,932 mula sa Singapore at 98,000 mula sa New York.