1 patay, 4 sugatan sa aksidente sa Roxas Boulevard sa Parañaque City

Hindi magandang balita sapagkat isa ang patay at apat ang sugatan sa isang vehicular accident sa Roxas blvd. sa Paranaque City.

Nangyari ang aksidente kaninang madaling araw sa harap ng Chateau de Baie malapit sa Baclaran Church.

Read More:  DSWD extends aid to family of slain motorcycle taxi rider in Caloocan

Unang nagkasagian ang isang motorsiklo at isang trailer truck nang biglang sumalpok sa likuran ng trak ang isang L300 van na may sakay na apat na tao.

Sa lakas ng pagkakabangga, nayupi ang unahan ng van kung saan namatay ang isa sa mga sakay nito na isang 49 anyos na babae.

Read More:  Marcos maintains trust in Dizon amid SEA Games probe

Sa ngayon ay patuloy namang nagsasagawa ng imbestigasyon ang Paranaque Station Traffic Vehicular Investigation Unit sa nangyaring aksidente.