Mga pasahero, dagsa pa rin sa ilang bus terminal para naman sa Bagong Taon

Dagsa pa rin sa ilang bus terminals ang mga pasaherong humahabol ng biyahe bago ang Bagong Taon.

Sa Cubao, Quezon City, marami pa rin ang mga biyaherong pauwi ng iba’t ibang probinsya para salubungin ang 2024.

Read More:  Senator-judges question request to advance NBI chief’s testimony

Habang sa Parañaque Integrated Terminal Exchange ay humabol din ngayong araw ang ilang pasahero para makauwi sa kani-kanilang probinsiya.

Read More:  DepEd probes classroom assault involving Bacolod students

Samantala, nauna nang nagpaalala ang ilang bus terminal na kaunti na lang ang dalhin kung bibiyahe ngayong holiday season.