MANIBELA – muling nanawagan sa mga komyuter na makiisa sa kanilang protesta

Hindi pa rin natatapos ang apela ng iba’t ibang mga transport groups na suportahan ang kanilang pagtutol sa PUV Modernization Program (PUVM) na ‘di umano’y pumapatay sa kanilang pangkabuhayan.

Sa isang panayam, sinabi ni MANIBELA president Mar Valbuena na ‘di raw sila mawawalan ng pagasa na kakatigan sila ng Korte Suprema.

Read More:  Marcos rejects claim flood control cases target Senate majority

Hinggil ito sa petisyong inihain ng mga grupo ng tranpostasyon para kuwestiyunin ang legalidad ng PUVM.

Read More:  BI proposes P247 airport fee for security modernization

Umaasa raw silang papaburan sila ng Korte at ng mga Mahistrado nang sa gayon ay tuloy pa rin silang makapapasada.

Matatandaaang nagpapatuloy pa rin ang tigil-pasada bilang protesta sa December 31 na franchise consolidation deadline.