CDRRM Naga , No holiday

NAGA CITY –Tiniyak ni Ernesto Elcamel, head ng Naga City Disaster Risk Reduction Management Office na nakaantabay ang kanilang Emergency Medical Technicians na siyang handang mag responde sa anumang emerhensiyang sitwasyon tulad ng vehicular accidents na marami ngayon sa lungsod o sa pagpasok pa lamang ng Disyembre.

Read More:  Garbage truck driver dies after vehicle plunges into ravine in Cebu

Ang mga personaheng ito ay siyang nasa loob ng ambulansya na siyang nagbibigay ng first aid sa pasyente habang dinadala ito sa pinakamalapit ng ospital partikular na sa Bicom Medical Center.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Elcamel, sinabi niyang nakaduty sila ngayong Pasko at Bagong Taon,dahil “no holidays” ang kanilang ipinatutupad, para magampanan ang kanilang trabaho sa publiko.

Read More:  In just eight hours, a Negrosanon teacher built a tool for public accountability

Nakaantabay din sila sa mga simbahan sa lungsod sa isinasagawang simbang-gabi at misa de gallo, lalo na sa mga kabataang kaskaserong magpatakbo ng sasakyan.