Lumaban si Emmanuel Joseph Bacosa Pacquiao, o mas kilala bilang Eman Bacosa kay Noel Pangantao ng Fairtex Fight Team.
Nagibabaw si Eman sa laban, na nakakuha ng technical knockout (TKO) na panalo sa unang round ng nakatakdang four-round professional boxing match.
Nang matapos ang laban, agad siyang dumiretso sa kanyang ama na si Manny Pacquiao para yakapin.
Ang 19-anyos na si Eman ay anak ni Joanna Rose Bacosa, na lumabas sa mga headlines noong 2006 at 2011 upang humihingi ng child support mula sa boxing legend.
