Lalaking akusado sa kasong carnapping arestado sa Paracale

CAMARINES NORTE – Inaresto ng mga operatiba ng Paracale Municipal Police Station at Highway Patrol Group ang isang lalaking akusado sa kasong carnnapping Lunes ng umaga sa Barangay Tugos, Paracale, Camarines Norte.

Kinilalala ang naarestong personahe na si alyas “Rey” 44 anyos, may asawa, residente ng nabanggit na lugar na nahaharap sa kasong paglabag sa Anti-Carnapping Act of 1972.

Read More:  Old school bus sunk off Cebu island to create artificial coral reef

Ginawa ang pag aresto sa kay alyas Rey sa bisa ng warrant of arrest  na ipinalabas ni Presiding Judge Cornelio M. Roll, ng RTC Branch 64 sa bayan ng Labo, Camarines Norte.

Read More:  Bacolod’s P6.1B loans frame dispute between political allies

Nagrekomenda ang hukuman ng halagang P200,000.00 na piyansa para sa pansamantalang paglaya ng akusado.

Ang naarestong personahe ay nasa kustodiya ng Paracale Municipal Police Station para sa kaukulang disposisyon.