Magnanakaw ng alak, bugbog-sarado sa biktima na dating MMA fighter

Naabutan ng Quezon City Police District (QCPD) ang isang lalaki na nakahandusay sa labas ng condo unit.

Sa imbestigasyon ng QCPD, tinangka ng lalaki at mga kasama nito na biktimahin ang isang dating MMA fighter na ngayon ay nagbebenta na ng mamahaling alak.

Read More:  Hard-to-reach Aklan village gets health, education support

Nakipagkita ang mga suspek sa nirentahang unit para sana makipagtransaksyon pero holdap pala ang pakay ng mga kawatan.

Sa CCTV ng gusali, kitang-kita na nabaril ang biktima pero hindi nagpatinag at nakipambuno sa isa sa mga suspek.

Read More:  Shrimp swarm surprises residents along Sipalay beachfront in Negros Occidental

Nahaharap ang suspek sa patong-patong na reklamong illegal possession of firearms and ammunition, robbery, frustrated murder at grave threat.

Samantala, kasalukuyan namang nagpapagaling ang biktima sa ospital.