BI: Bilang ng mga arrivals – halos pre-pandemic levels na

Inilatag ng Bureau of Immigration (BI) ang kanilang mga hakbang para masigurong matiwasay at maayos ang biyahe ng mga pasahero ngayong Kapaskuhan at pagsalubong ng Bagong Taon.

Sa panayam ng Brigada NewsFM Manila kay BI Deputy Spokesperson Melvin Mabulac – sinabi niyang nagdagdag na raw sila ng manpower, at mga counters sa mga paliparan.

Read More:  Gov’t races to secure water, power ahead of ‘Super El Niño’

Mayroon na ring order kung saan ay ipinagbabawal na ang pagpa-file ng leave sa kanilang mga personnel.

Read More:  Palace urges Bato dela Rosa to surrender amid warning of potentially bloody arrest

Inaasahan namang aabot daw sa 1.5 million ang mga arrivals sa bansa ngayong Disyembre.

Mas mataas ito mula sa 1.1 million arrivals nitong Nobyembre, at posibleng umabot na raw sa pre-pandemic levels.