PBBM, inanunsyo na wala ng extension sa consolidation deadline

Tila inunahan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang tigil-pasada ngayong Huwebes at Biyernes.

Inanunsyo ni Pangulong Marcos na wala nang extension sa deadline ng pagpapa-consolidate ng mga pampublikong sasakyan, na hiling sana ng grupong PISTON.

Suportado naman ng ilang grupo ang modernization program sa transportation.

Read More:  Marcos allocates P300 million for Tarlac City bridge repairs

Sinabi nila na maliit lang ang grupo ng PISTON para maparalisa ang transportasyon kaya walang dapat ipangamba ang mga commuter.

Sa datos ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board nasa 70% na ang nakapag consolidate sa buong bansa sa katupusan ng taon.

Read More:  P162 million worth of kush seized from distressed yacht in Subic Bay

Hiling ng mga nakapag consolidate  ay ipatupad na ang deadline na ilang beses ng ipinagpaliban.

Pinabulaanan din ng ilang miyembro na lugi ang mga nakapag consolidate na.

Nilinaw naman ng LTFRB na walang mangyayaring Phase out sa mga traditional jeepney pagnatapos na ang December 31 deadline.