Ilang mambabatas nais ibaba ang parte ng motorcycle taxi operator

Gustong pababain ng ilang mambabatas ang naiuuwing kita ng mga motorcycle taxi operator mula sa binabayad na pasahe sa kanilang ride hailing app.

Sa nangyaring pagdinig sa House Committee on transportation napag-alaman na sa bawat pasahe na binabayad sa motorcycle taxi 20% ang napupunta sa mga operator.

Read More:  Philippine peso hits record intraday low of ₱63.15 per dollar

Pero ayon sa mga Kongresista, dapat nasa 5% hanggang 10% lamang ang nakukuha ng mga operators.

Pinapasilip na ito ng Kongreso sa Transportation Department.

Read More:  Senate accepts Gerville Luistro’s apology over ‘wacky photos’

Samantala, sinita din ng Komute ang pagkakaantala sa report ng technical working groups tungkol sa viability ng motorcycle taxi sa bansa.

Paliwanag naman ng TWGs iniintay nila ang komprehensibong pag-aaral ng UP na iniaasahang lalabas sa February 20, 2024.