Kaso ng COVID-19, posibleng bahagyang tumaas ngayong holiday season

Pinangangambahan ng Department of Health ang tumataas na kaso ng COVID-19 at iba pang respiratory illness sa Pilipinas.

36% kasi ang itinaas ng kaso sa buong bansa o katumbas ng 1,821 mula lang sa December 5 hanggang 11.

Ito ang pinakamataas na naitala sa loob ng isang buwan.

Read More:  Madriaga included in VP Sara impeachment witness list

Dahil dito, ilang lokal na pamahalaan na ang nag-aalala tulad sa Quezon City na itinaas sa red status ang buong lungsod.

Sa kabila nito hindi pa naman hirap ang mga healthcare facility sa bansa.

Sinabi nila na 10% na mas mababa ang critical at severe cases ng COVID admissions.

Read More:  Pulong Duterte says Marcos won because of VP Sara

Gayunman ay pwede pa rin itong makamatay sa mga may edad o sakitin.

Paalala ng mga eksperto hindi lang dapat sa COVID-19 mag-ingat dahil marami ring sakit o virus ang nakakahawa na maaaring maka-infect sa tao tulad ng influenza-like illness.

Bagamat hindi na required na magsuot ng mask, pinapayo pa rin ng mga health experts na sundin ang mga health protocol para maprotektahan ang kalusugan.