9 LGUs sa So.Cot, nakatanggap ng drilling machine

KORONADAL CITY – NAKATANGGAP ng drilling machine ang 9 na mga local government units (LGU) sa lalawigan ng South Cotabato mula sa Provincial Environment Management Office (PEMO) at pondo ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office o PDRRMO.

Inihayag ni PEMO Seigfred Flaviano na ito ang suporta ng probinsya sa riverbank protection at rehabilitation ng riparian zone revegetation programs ng mga LGUs.

Read More:  Davao Oriental jail unrest leads to warden’s removal

Kabilang sa mga nakatanggap nito ang Surallah, Tupi, Tampakan, Norala, Lake Sebu, TBoli, Sto.Niño, Banga, at Koronadal City.

Read More:  Two NPA rebels surrender, arms cache recovered in Bicol

Ayon kay Flaviano, na ang drilling machine with water pump ay gagamitin sa pagdevelop ng indigenous bamboo diking upang maproteksyunan at hindi masira ang gilid ng mga sapa at makaiwas sa pagbaha. Ang isang drilling machine ay nagkakahalaga ng P 200,000.