Pilipinas, naghain na ng diplomatic protest at political protest laban sa China

Naghain ng panibagong diplomatic at political protest ang Pilipinas laban sa magkakasunod na pangha-harass ng China habang nagsasagawa ng Christmas Convoy sa West Philippine Sea.

Ayon kay National Security Council Assistant DIR. Gen. Jonathan Malaya, hindi umobra ang mga panghaharang ng Chinese vessels para hindi matuloy ang misyon ng Pilipinas.

Read More:  Rescued Philippine Eagle Sawaga-Dalwangan dies during rehabilitation

Dahil personal pa ring nakapunta si Armed Forces of the Philippine Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. sa BRP Sierra Madre para ihatid ang noche buena ng mga sundalo roon.

Nanindigan naman ang Philippine Coast Guard na wala silang planong gayahin o gantihan ang China sa  mga barbaric attacks na ginagawa nito sa mga sunadalo at mangingisdang Pilipino.

Read More:  China Coast Guard fires water cannons at Philippine vessels for second straight day

Para naman kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ang pangha-harass ng China ay nagpatindi lang sa determinasyon ng mga Pilipino na protektahan ang soveranya at teritoryo sa West Philippine Sea.

Samantala, pinatatawag na ng Department of Foreign Affairs ang Chinese ambassador na si Huang Xilian matapos ang mga panawagan na ideklarang persona non grata ito.