QC, naka-red alert status dahil sa pagdami ng kaso ng COVID-19

Itinaas sa red alert status ang COVID-19 early warning system sa Quezon City matapos ang pagdami ng kaso ng COVID-19 sa lungsod.

Read More:  Bystanders scramble for cover as exchange of gunfire wounds 4 in Himamaylan City

Umabot sa 27 ang kasong naitala sa daily average case mula noong ika-4 hanggang ika-7 ng Disyembre ng kasalukuyang taon.

Ibig sabihin, mas mataas ito ng 57.9% kumpara noong nakaraang linggo.

Read More:  Nearly entire church ceiling collapses in Maguindanao del Norte

Dahil dito, pinayuhan ni Mayor Joy Belmonte na maging maingat at sundin ang health protocols tulad ng pagsusuot ng face masks.