Isinagawa ng Bureau of Fire Protection Olongapo City ang kauna-unahang pagpapailaw sa isang malaking Fire Truck.
Kagabi, Dec. 7 ay nagkaroon ng maikling programa sa mismong tanggapan ng BFP.
Pagkatapos ng pagpapailaw sa fire truck ay gabi-gabi na itong mag-iikot sa lungsod para magpaalala sa pag-iwas sa pagpapaputok.
Samantala, dumating rin sa programa ang ilang opisyal ng lungsod sa pangunguna ni Mayor Rolen Paulino Jr.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO