Fish Production sa Sagñay, Camarines Sur, plano pang paramihin; mariculture park investors forum, gaganapin

CAMARINES SUR- Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Guipao Festival sa Sagñay, Camarines Sur, gaganapin mamayang hapon ang Mariculture Park Investors Forum kung saan pag-uusapan ang planong paramihin pa ang produksyon ng isda sa bayan.

Sa pakikipag-usap ng Brigada News FM Naga kay Mayor Jovi Fuentebella, alkalde ng nasabing bayan, sinabing makatutulong ang pagpaparami ng isda hindi lang sa kita ng mga maliliit at malalaking negosyante   ngunit para masiguro rin ang sapat na supply nito sa darating pang mga taon. Inaasahang nasa 500% ang madadagdag sa kita ng mga mangingisda sa susunod na sampung taon kapag patuloy na maparami ang produksyon nito.

Read More:  Flooding hits two Barangays in GenSan
Read More:  Four face charges after illegal horse fighting bust in Davao Occidental

Sa ngayon, mayroong 200 ektarya ng water area ang nasa pangangalaga ng pamahalaan na nakalaan para sa mga fish cages. Umaasa ang alkalde na balang araw, isa ang bayan ng Sagñay sa pangunahing mapagkukunan ng suplay ng isda sa Pilipinas.