MIAA, nagbabala ukol sa nagbebenta ng naiwang luggage sa NAIA

Nagbabala ang Manila International Airport Authority (MIAA) sa publiko hinggil sa nagbebenta ng naiwang luggage at maging ang mga naiwang gamit sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ang kanilang sistema, maypa-raffle draw para sa pagkakataong manalo ng bagahe sa halagang P500 lamang.

Read More:  Six student interns injured after falling from hitchhiked truck in Bukidnon

Gayunpaman, hihilingin ng page ang mga detalye ng bangko ng interesadong partido.

Ayon sa MIAA, ang online promo ay isang scam kaya’t dapat lamang magdoble-ingat lalo na’t nanghihingi pa ng bank account.

Read More:  Fetus found dead inside restroom of inn in General Santos City

Sinabi rin ng pamunuan ng paliparan na ang mga item na nananatiling hindi na-claim pagkatapos ng anim na buwan ay pinapa-auction ngunit hindi kailanman ibinebenta online.