Lalaking umakyat sa poste sa Marikina City, hindi kakasuhan ng Meralco

Walang balak na magsampa ng reklamo ang Meralco laban sa lalaking umakyat sa kanilang poste sa Marikina City.

Nabatid na 4K na mga electricity consumers ang naapektuhan nang mapilitan silang pansamantalang patayin ang suplay ng kuryente.

Read More:  Habagat batters Davao Region: 909 families affected, four dead, five missing

Bukod dito, nasira rin ng lalaki ang kanilang poste tulad na lamang ng pole steps at mga insulator.

Read More:  13 arrested in Cebu over P1.7M unregistered cooking oil

Kahit nangyari ang mga ito, hindi maghahain ng reklamo ang Meralco laban sa lalaki.

Nabatid na nasa mental facility sa Mandaluyong City ang lalaki para sumailalim sa mental assessment.